Showtime suspended from airing dahil kay Osang
January 18, 2010Totoo at kumpirmado na suspendido na ang noontime talent showcase show ng ABS-CBN na Showtime. Alam nyo ba ang naging dahilan kung bakit na suspinde ang nasabing high rating na noontime show? Well, ayon sa mga reports ay dahil daw ito sa anghang ng salita ni Rosanna Roces, isa sa mga judges ng naturang noontime show.
Si Osang daw a.k.a. Rosanna Roces ay nagbitiw ng ilang mga di kanais nais na mga salita sa gitna ng live na programa laban sa mga teachers. Hindi ko po aktuwal na natunghayan ang eksaktong mga detalye ngunit kitang kita naman po ang mga naganap na komosyon dahil na din sa nakasanayang anghang ng bunganga nitong si Osang. Sana ay maayos na ito sapagkat isa itong show na ito sa mga inaabangan ng mga tao twing sasapit ang tanghali.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


